-xJAJAnessever ♥

you will always find happiness in the simplest things ☺

i'll find your heart ;)


NAG-ENJOY kami sa I’ll Find Your Heart, ang first solo/birthday concert ni Sam Concepcion nu’ng Sabado sa Music Museum.
Puno ang venue ng mga bagets na karamihan ay teenage girls, na panay ang tilian at kilig-kiligan kay Sam.
Pati guests ni Sam ay halos puro bagets din. Cute ‘yung bokalista ng teen band na Fire Exit na si Adam, kaya klik na klik ito sa girls.
Bago umentra ang Little Big Star champion ay ipinakita sa screen ang growing up photos niya habang may voice-over narration ang kanyang mommy at daddy.
8-anyos lang si Samuel Lawrence Lopez Concepcion nang magsimula siyang magteatro sa Trumpets production ng The Lion, The Witch and the Wardrobe. Ang bilis ng panahon dahil 16-anyos na siya nu’ng Oktubre 17.
Grabe ang hiyawan ng audience paglabas ni Sam na bumanat ng Wake Me Up Before You Go, Go at Footloose.
Tama si Gary V. sa pagpuri niya kay Sam dahil para itong teen version niya na very energetic at hyper mag-perform.
Sey ni Sam, ang pagpunta ng fans sa kanyang concert ang best birthday gift he has ever received. Dati raw ay toys lang ang pinaglalaruan niya, ngayon ay ang stage na ang kanyang playground.
Bukod sa maganda ang breeding, mahusay magsalita at magaling mag-Ingles ay charming si Sam at mukhang good boy.
Hindi kataka-takang type na type siya ng mga kapwa niya bagets at role model siya ng kabataan.
Gusto namin ang version niya ng With You at Umbrella with matching patawa. In fairness ay may humor ang bagets at maganda ang rapport niya sa audience.

May special song number si Sam kasama ang kanyang Kuya Red (23 y/o) at Kuya Kevin (22 y/o) na tulad niya ay umaawit din at nagteteatro. Kung meron daw Jonas Brothers ay meron ding Concepcion Brothers. Kinanta ng magkakapatid ang hit song ng Jonas Brothers na When You Look Me In The Eyes. Sayang at hindi kasing-cute ni Sam ang mga kuya niya.
Guest din ang leading lady ni Sam sa High School Musical On Stage na si Cheska Ortega. Sinorpresa siya ng mga kasamahan niya sa nasabing musical at sama-sama silang nag-perform ng HSM songs.
Type namin ang pagkakaawit ni Sam sa Go On Girl, So Sick, Because of You at Imagine ala David Archuleta. Sana, kinanta niya rin ang debut single ni Archu na Crush dahil bagay ‘yon sa boses niya. Dapat ay naglagay rin ng kahit isang Gary V song sa kanyang repertoire.
Bongga ang finale number ni Sam na Michael Jackson medley. Feel na feel niya ang pag-awit sa hit songs ng idol niyang si MJ na I Just Can’t Stop Loving You, Rock With You at Billie Jean. Tilian ang audience nang mag-moonwalk ang bagets.
Ang lakas ng sigaw ng “More!!” ng bagets crowd, kaya nag-encore pa si Sam ng Kung Fu Fighting at ng single niyang Even If mula sa kanyang debut album.
Sa edad niyang disisais ay kayang-kaya nang magdala ng sarili niyang show si Sam.


(late post) :(

No comments:

Post a Comment